Sa panahon ngayon, may nagsasabing kung hindi ka marunong sumabay sa agos ng buhay ay maiiwan ka talaga? Kung ito'y nakakabuti sa atin bakit di nalang tayo makisabay, diba?At kung alam naman natin na ito'y nakakasama sa atin wag nalang nating gawin dahil sa panahon ngayon marami ng naghihirap dadag-dag pa ba tayo dapat marunong tayong mag balanse sa lahat-lahat at sa mga Isyu ngayon sa ating bansa dapat tayong makialam dahil tayo'y mamamayan ng bansang ito kahit na tayo ay mga kabataan lamang. Maraming nagsasabi na ang kabataan ang pag-asa ng bayan at yan ay totoo.Di porket tayo ay mga bata pa at ang tingin nila sa atin ay hindi pwedeng makialam sa isyu ng ating lipunan.Pwes dapat natin ipaalam sa kanila na dapat patas ang tingin nila sa atin kaya din nating solusyonan ang mga isyu ng ating lipunan marami ng naghihirap sa bansang ating ginagalawan.Dapat pagtu-unan ng pansin ang kabataan dahil kami ay may alam at marami kaming alam dapat gabayan at wag ipagsawalang bahala lamang hindi porket bata kami ay 'wala lang' dapat ding pahalagahan kami.
Marami ng mga problemang kinakaharap ang ating bansa at isa na po ay ang TRABAHO hindi sapat ang mga trabaho dito sa ating bansa kung kaya't ang iba ay pumupunta sa ibang bansa upang magtrabaho ang iba naman ay kumakapit sa patalim upang meron lang silang makain kayat dapat pagtu-unan nang pansin ang pagpapagawa ng trabaho sa ating bansa kaya't marami ng naglipanang masasamang tao dahil sa kahirapan .Dapat gumawa ng mga organisasyon tungkol sa trabaho at sa iba pang solusyon para sa kahirapan.Ang gobyerno ay may magagawa dito kung hindi lang sila nagbingi-bingihan sa tawag ng mga mamamayan ang ating lipunan ay gaganda at kung tayo lamang ay kikilos at kung tayo ay may pakialam sa ating bayan kailangan tayong may gawing aksiyon dito para matugunan ang ating kahirapan at kung ang pamahalaan ay gagawa ng aksiyon para dito di imposibleng tayo ay aangat at kung meron mang maraming trabaho dito ay wala nang maghihirap.At sinasabi nilang tayo ay mapupunta sa tuwid na daan at ngayon naman.Mas patitibayan pa nila ang matuwid na daan.Sana sa mga sumusunod na mamamahala sa mga mamamayan dapat nilang gampanan ang kanilang mga sinasabi.
Hindi lahat ng mga sinasabi ng pamahalaan ay tama.Tingin nila tama ito ngunit para sa aming mga kabataan ay marami silang mali at dahil sinabi lang nila ito pero hindi nila ginagawa tayong mga kabataan dapat tayo maging mabuting modelo para sa susunod na henerasyon o sa mga susunod pang mga kabataan dahil ika nga nila "Ang kabataan ang pag-asa ng bayan".Dapat pantay-pantay ang pagpapatakbo ng pamahalaan para masugpo ang kahirapan.
Para sa akin kung gagawa tayo ng aksiyon ay hindi na tayo maghihirap pero dadaan parin tayo sa kahirapan pero hindi yung katulad ng hirap na nakakagawa ng maraming krimen.